Linggo, Enero 7, 2018

Ang Pagpunta Sa Isang Daang Isla


Ang bakasyon ay di gaanong kumpleto kung ala ang gala. Punta dito punta doon pero mas sasarap ito kung ang pupuntahan ay isang isla, paano kaya kung ito'y marami pa. Preskong hanggin, magandang tanawin, magandang at malinis na tubig, at maraming islang mapupuntahan. Ito ay ang Hundred Islands.

Isang mainit at normal na bakasyon. Kami'y nasa Pangasinan upang magbakasyon at libutin nang Hundred Islands. Nagbayad kami sa isang bangkero para sumakay at maglibot sa isa sa pinakamagandang libutan sa Pilipinas. Habang palayo nang palayo ang bangka sa pangpang makikita mo naman na palapit na palapit ka sa mga islang maliliit. Malinis at malinaw ang tubig kaya kitang kita mo ang ilalim nang dagat. Maraming iba't ibang islang maliliit lamang. Mga isla doon ay mga bato lang halos na tinutubuan nang mga puno. Magaganda ang hugis nang mga islang iyon. Sa isang islang aming hinituan ay may white sand. Sa isa naman ay may tila lagusan o kuweba. May iba't ibang itsura ang bawat isla. May iba't iba silang akin na ganda. Sayang at ang oras namin doon ay maigsi lamang dahil ang oras ay tumatakbo nang mabilis pag ikaw ay nagsasaya. Pero di ko makakalimutan ang bakasyon na iyon.

Kung nais mong magbakasyon kasama nang pamilya ay wag nang magpakakuripot. Malayo man ang Pangasinan sa inyo ay sulit naman ang biyahe. Kaya ang rikumenda sa inyo, magbakasyon na sa Hundred Islands. Sigurado akong magugustuhan nyo.